^

Probinsiya

Drug pusher tiklo sa nahulog na shabu

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa aksidenteng pagkahulog ng dalawang plastic sachet ng shabu  sa checkpoint, arestado ang 25-anyos na pinaghihinalaang drug pusher habang lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Urdaneta City PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na  si Jamil Rachman ng Barangay Nancayan sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumangging sumailalim sa checkpoint ang suspek na pinaharurot ang motorsiklo dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Gayon pa man, aksidenteng nahulog sa bulsa ng suspek ang dalawang sachet ng shabu sa checkpoint ng pulisya kaya hinabol ito ng mga operatiba at ina­resto.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos na makorner ng pulisya na nagbabantay sa naturang checkpoint.

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

BARANGAY NANCAYAN

BARANGAY NANCAYASAN

CAMP CRAME

DAHIL

GAYON

JAMIL RACHMAN

KASALUKUYANG

PANGASINAN

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with