Sanggol nasunog
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagaÂyan ang 8-buwang gulang na sanggol matapos masunog ang kanilang tahanan sa Barangay San Isidro, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Mariane Bungcag na naisugod sa Kitcharao District Hospital pero kaagad na inilipat sa Caraga District Hospital dahil sa tinamong 2nd degree burn sa kaniyang katawan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame naganap ang insidente sa bahay ni Jenalyn Bungcag, 35, ina ng sanggol.
Nabatid na pansamantalang iniwan ang sanggol na natutulog kung saan nagtungo ang ina sa kanilang kapitbahay.
Gayon pa man, natumba ang kandila sa loob ng bahay na pinagmulan ng apoy kung saan mabilis na kumalat sa kabahayan na gawa lamang sa mahinang uri ng materyales.
Nang magsisigaw ang kanilang kapitbahay na nasusunog ang tahanan ng ina ay nagtatakbo ito dahil nasa loob ng kanilang silid ang sanggol.
- Latest