^

Probinsiya

Amok: 3 patay, 6 grabe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong napatay kabilang ang lalaking nag-amok sa Barangay  Sta. Cruz sa Antipolo City, Rizal kahapon ng hapon. Napatay ang nag-amok na si Jonathan Hinentesa makaraang maagaw ng ilan niyang biktima ang itak na ginamit sa pamamaslang. Nakilala naman ang dalawang namatay na sina Romeo Gutlay at Joseph Justa, kapwa nakatira sa Sitio Sapu. Malubhang nasugatan naman ang anim pang biktima na naisugod sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.

Sa inisyal na ulat ng Antipolo City PNP, dakong alauna ng hapon nang mag-umpisang mag-amok si Hinentesa na sinasa­bing may kapansanan sa pag-iisip at bigla na lamang pinagtataga ang mga biktima.

Nagawa namang manlaban ng ilang biktima at maagaw ang itak na ginamit nito at pinagtulu­ngan naman pagtatagain si Hinentesa.

 

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

HINENTESA

JONATHAN HINENTESA

JOSEPH JUSTA

MARIKINA CITY

ROMEO GUTLAY

SITIO SAPU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with