^

Probinsiya

P3-M limas sa pawnshop

Francis Elevado - The Philippine Star

CAMARINES NOR­TE, Philippines  â€” Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng mga alahas mula sa safety vault ng Yamashita Pawnshop and Jewelry Store ang biglang nag­laho matapos nakawan ng mga  miyembro ng Acytelene Gang ang Daet Elevated Plaza sa Lukban Street, bayan ng Daet, Camarines Norte noong araw ng Pasko.

Nadiskubre ang pagnanakaw matapos pumasok  ang mga kawani ng nasabing pawnshop kahapon ng umaga.

Pinutol rin ng mga suspek ang CCTV camera ng na­sabing pawnshop.

Nabatid na ang mga kawatan ay dumaan sa drainage na kahalintulad ng ginawang pagnanakaw sa apat na pawnshop sa Daet Elevated Plaza noong  Marso 19, 2012.

Samantala, dinampot naman ang suspek na si Junel Mañago ng Purok 6, Brgy. Cobangbang dahil sa kahina-hinalang kilos kung saan nakumpiskahan ng apat na basyo ng bala cal. 38 revolver.

Tila isang malaking dagok sa bagong hepe ng pulisya  na si P/Supt. Paul Abay ang naganap na panibagong nakawan dahil ang nasa­bing pawnshop ay 10-metro lamang ang layo sa presinto ng PNP.

vuukle comment

ACYTELENE GANG

CAMARINES NORTE

DAET ELEVATED PLAZA

JUNEL MA

LUKBAN STREET

PAUL ABAY

YAMASHITA PAWNSHOP AND JEWELRY STORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with