9 mangingisdang Badjao minasaker
MANILA, Philippines - Siyam na katutubong Badjao ang brutal na pinaslang matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa mismong araw ng Pasko sa karagatan ng Oluntanga Island, Zamboanga Sibugay.
Sa inisyal na ulat na nakarating kay regional PNP spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, iniulat sa pulisya ang naganap na masaker matapos makaligtas ang dalawang nasugatang Badjao na sinasabing nagpatay-patayan habang umaatake ang mga armadong lalaki.
Gayon pa man, kasaÂlukuyan pang inaalam ang mga pangalan ng mga napaslang na pawang tinadtad ng bala ng automatic rifles.
Ang dalawang survivor na kinilalang sina Loli at Muksin Ambasal na mga mangingisda ay ginagamot sa Zamboanga City Medical Center.
Nabatid na ang mga biktima na pawang mula sa lipi ng mga katutubong Badjao ay lulan ng tatlong pumpboats mula sa Barangay Sangali kung saan pumalaot sa karagatan ng Talusan sa Olutanga Island upang mangisda kung saan nakasalubong naman si kamatayan bandang alas-10 ng gabi.
Ayon pa sa ulat, na ngingisda ang mga biktima nang biglang dumating at ratratin ng mga armadong kalalakihan na lulan din ng pumpboats.
Nagawang magpatay-patayan ng dalawa kahit na sugatan saka tumalon mula sa bangka gamit ang Styrofoam patungo sa dalampasigan.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang grupo na pinaniniwalaang mg bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa masaker.
- Latest
- Trending