^

Probinsiya

Bata patay sa sunog, 6 pa sugatan

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng isang  batang babae habang anim pa ang na­sugatan kabilang ang isang bumbero sa naganap na sunog na tumupok sa isang bahay at katabi nitong boarding house sa Cebu City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, kinilala ang nasawi na si Maria Alexa Botoc, 6 anyos, na-trap sa sunog at halos hindi na makilala ang bangkay.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatang sina Ednalyn Calisin, 28; Mary Irene Simbajon, 6; Matthew Justin Simbajon, 2; Bernardo Ortiz, 53; Ren-Ren Mutoc, 3; at Fire Officer 3 Alexander Labuga.

Bandang alas-4:30 ng madaling-araw ng maganap ang sunog sa 2 storey na bahay at katabi nitong boarding house  sa kahabaan ng Jakosalem Street, Brgy. Parian ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ang biktima ay iniwan ng ina nito na natutulog ng mangyari ang sunog kung saan mabilis na kumalat ang apoy at nakulong sa silid ang bata na nabigo ng masagip.

Tinataya namang aabot sa P400,000 ang inisyal na pinsala sa sunog na naa­pula dakong alas-9:16 ng umaga matapos na magres­ponde ang mga bumbero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

Samantala, umaabot naman sa P15 M ang na­pinsala matapos na masunog ang nasa 230 kabahayan sa Brgy. Fort Poyohon at kanugnog na Brgy Obrero sa Butuan City, Agusan del Norte dakong alas-12:40 kamakalawa ng hapon.

 Inaalam pa ang sanhi ng naturang mga sunog.

 

vuukle comment

ALEXANDER LABUGA

BERNARDO ORTIZ

BRGY

BRGY OBRERO

BUTUAN CITY

CEBU CITY

CEBU CITY FIRE MARSHAL

EDNALYN CALISIN

FIRE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with