^

Probinsiya

Provincial treasurer kinidnap ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga bandidong Abu Sayyaf Group makaraang dukutin ang 54-anyos na provincial treasurer sa bahagi ng Barangay Bangkala, ba­yan ng Patikul, Sulu noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Col. Jose Joh­riel Cenabre, 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu commander ang binihag na si Jesus Cabilin.

Bandang alas-6:45 ng gabi ng bigla na lamang sumulpot sa quarter na tinutuluyan  ng biktima sa capitol site ang mga armadong bandido at sunggaban ang opisyal.

Agad namang natukoy na kabilang sa dumukot sa biktima ay ang grupo nina Ninok Sappari at Julli Ikit na kapwa sub-commander ng mga bandidong Sayyaf

Walang nagawa ang biktima matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnaper pasakay sa dilaw na jeepney na tumahak patungo sa Barangay Danag.

Nabatid pa sa opisyal na tinangkang habulin ng mga  operatiba ng pulisya ang mga kidnaper na nakapaglitan pa ng putok pero nagawang makatakas tangay ang bihag.

Patuloy ang pagtugis ng pinagsanib na elemento ng militar at ng pulisya laban sa grupo ng mga kidnaper.

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BANGKALA

BARANGAY DANAG

JESUS CABILIN

JOSE JOH

JULLI IKIT

MARINE BRIGADE

NINOK SAPPARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with