^

Probinsiya

Mag-ina inutas ni tatay saka nag-suicide

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagsasaksakin ng sariling ama na sinasabing naburyong sa matinding problema bago sinunog ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 33 Caridad, Cavite City, Ca­vite kahapon ng umaga.

Kinilala ang mag-ina na sina Thelma Dela Cruz Samonte, 68; at Rocel de la Cruz Crisostomo, 28, habang nakilala naman ang ama na si Jesus Dela Cruz, 68, walang trabaho, pawang nakatira sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Armagel Genuino, nagtalo ang mag-asawa kaugnay sa problemang pananalapi kung saan napikon ang lalaki kaya sumiklab ang galit nito.

Gayon pa man, pinayapa ng anak na si Rocel ang kanyang mga magulang subalit umalis na lamang ang kanyang ama at pagbalik mula sa kusina ay inundayan sila ng saksak.

Dito na kumuha ng pos­poro ang lalaki saka sinilaban ang kurtina sa bintana bago nagkulong sa ikalawang pa­lapag ng bahay na nagsimulang magliyab.

Nabatid na bago masunog ang bahay ng pamilya Dela Cruz ay naisugod pa  sa ospital ang mag-ina matapos dumating ang kasintahan ng dalaga subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

ARMAGEL GENUINO

CARIDAD

CAVITE CITY

CRUZ CRISOSTOMO

DELA CRUZ

DITO

JESUS DELA CRUZ

ROCEL

THELMA DELA CRUZ SAMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with