^

Probinsiya

Akyat-bahay pinabulagta

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Bumulagta ang isang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nagtangkang magnakaw sa inuupahang bahay ng isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penelogy matapos mabaril kamakalawa ng umaga sa Barangay Market View sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang napatay na si Pablito Custodio, tubong Leyte at kasalukuyang residente ng nasa­bing barangay. Sa police report, lumilitaw na naghahanda ng kanilang almusal sa ikalawang palapag ng bahay si JO1 Ryan Hans Christian King Calinao Coronado nang pumasok si Custodio.

Dito na sinita ni Coronado ang suspek subalit sinaksak siya nito sa braso at sikmura.

Kahit sugatan ay nagawang tumakbo patungong kuwarto at kinuha ang kanyang cal. 38 revolver.

Gayon pa man, sumunod si Custodio para tapusin si Coronado pero bumulaga ang sunud-sunod na putok ng baril.

Sumuko naman sa pulisya si Coronado habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY MARKET VIEW

BUMULAGTA

CUSTODIO

DITO

LUCENA CITY

PABLITO CUSTODIO

RYAN HANS CHRISTIAN KING CALINAO CORONADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with