Pulis, bumbero todas sa sunog
MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang pulis at isang bumbero sa magkahiwalay na sunog sa Commission on Elections (Comelec) sa Iligan City, Lanao del Norte at kung saan aabot sa 30 kabahayan ang natupok ng apoy sa Isabela City, Basilan noong Miyerkules.
Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang unang insidente sa tanggapan ng Comelec sa Iligan City, Lanao del Norte dakong alas-2:20 ng madaling araw.
Kinilala ang namatay na pulis na si PO1 Rey Borinaga ng Public Safety Company na na-suffocate sa sunog.
Si Borinaga ay kabilang sa ideneploy na nagbabantay sa opisina ng Comelec para pangalagaan ang seÂguridad sa barangay election noong Lunes (Oktubre 28)
Naapula naman ang sunog dakong alas-3 ng madaling araw kung saan sinasabing isang supporter ng natalong kandidato ang nasa likod ng panununog.
Samantala, iniulat naman ni P/Supt. Albert Larobis, director ng Isabela City PNP ang pagkamatay ng fire voÂlunteer na si Rolando LiÂm na na-suffocate rin sa sunog.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong natumba ang biktima habang inaapula ang sunog sa Kaumpurnah Zone 1 na katabi lamang ng himpilan ng pulisya dakong alas-9:30 ng umaga kahapon.
Nabatid na nasa 18-kaÂbahayan at 16 establisyeÂmento ang nasunog kung saan naapula naman bandang alas-11 ng tanghali.
- Latest