^

Probinsiya

5 miyembro ng PAGs sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng private armed groups (PAGs) ang sumuko sa himpilan ng pulisya  sa lalawigan ng Abra kaugnay ng nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, ayon sa ulat kahapon.

Sa pahayag ni Cordil­lera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, isinuko rin  ang dalawang baril na walang lisensya.

Nabatid na noong Miyerkules ng hapon ay personal na sumuko kay Magalong ang limang miyembro ng Perfecto Purugganan Group na aktibong may operasyon sa Abra at iba pang lugar sa Region 1.

Kinilala ang lima na sina Edwin O’reilly Ma­naois, Amante Angeles Labasan, Amante Sagario Labasan Jr., Kinsley Belleza Singson, at si Renato Bonete Sequera na pawang nakatira sa bayan ng Langiden, Abra.

Sinaksihan naman ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ang pagsuko ng limang PAGs.

“They are now at Abra Provincial Police Office for profiling and background investigation while the turned-in firearms will be for ballistic examination,” pahayag pa ng opisyal.

 

ABRA

ABRA PROVINCIAL POLICE OFFICE

AMANTE ANGELES LABASAN

AMANTE SAGARIO LABASAN JR.

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

EDWIN O

KINSLEY BELLEZA SINGSON

PERFECTO PURUGGANAN GROUP

RENATO BONETE SEQUERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with