P23-M pinsala sa Zambales
MANILA, Philippines - Umaabot na sa P23.55 milyong halaga ang pinsala ng landslide at flashflood sa Zambales dulot ng malalakas na pag-ulan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and MaÂnagement Council (NDRRMC) kahapon.
Ayon kay NDRRMC Deputy Director Romeo Fajardo, naitala sa P23.55 milyon ang pinsala sa imprastraktura kabilang ang P23.3 milyon sa bayan ng Castillejos at P.250 milyon naman sa bayan ng San Antonio.
Samantala, aabot naman sa 31 bahay ang nawasak habang nasa 34 naman ang nagtamo ng pinsala sa naturang kalamidad.
Nakaapekto rin ang pagbaha sa may 33, 976 pamilya (150,914-katao) sa 197 barangay sa 22 bayan at 11 lungsod sa 5-lalawigang binayo ng habagat sa Regions III, IV-A at National Capital Region.
Nairekord naman sa 6,811 pamilya (29Â,150-katao) ang nanatili pa sa may 140-evacuation centers sa mga naapektuhang lugar.
Kaugnay nito, umaabot na sa 32 ang namatay matapos na kumpirmahin kahapon ni Lt. Yvonne Ricaforte, Civil Military OÂperations ng Army’s 24th Infantry Battalion.
Narekober din ang bangkay ng sanggol na si April Flores sa Brgy. Aglao, Castillejos, Zambales kahapon ng umaga.
Si Rolando Tapic ng Barangay Balaybay, Castillejos, Zambales ay naÂtagpuang buhay kamakaÂlawa ng hapon matapos itong mapaulat na nawawala kung saan tinangay ng malakas na agos.
Naitala rin ang ‘storm surge sa bayan ng NaÂsugbu, Batangas; tatlong insidente ng flashfloods sa Bataan at Zambales, walong landslide sa Cavite, at Batangas habang tatlo pang insidente ng flashfloods sa Zambales.
- Latest