^

Probinsiya

2 minero inutas sa sementeryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mistulang inihatid na sa kanilang huling hantu­ngan ang dalawang minero matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa Purok 1, Barangay Poblacion, bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa. Kinilala ang isa sa dalawang minero na si Julius Alegarme Tuyor, 25, habang ang isa ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, narekober sa Dabasa Balahay Cemetery ang bangkay ni Tuyor na may mga tama ng bala sa ulo at mga braso nito kung saan ay inilagay pa ang labi nito sa loob ng  nakabukas na nitso. Samantala, ang isa pang bangkay ay natagpuan may ilang metro mula sa bangkay ni Tuyor sa bahagi naman ng damuhan.

BARANGAY POBLACION

BAROBO

CAMP CRAME

DABASA BALAHAY CEMETERY

JULIUS ALEGARME TUYOR

KINILALA

MISTULANG

PUROK

TUYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with