Med tech pinalaya ng Sayyaf
MANILA, Philippines - Matapos ang 107 araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang kinidnap ng mga itong medical technologist sa Tigbaw Market, Brgy. Asturias, Jolo, Sulu kamakalawa.
Kinilala ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre ang pinakawalang bihag na si Casilda Villaraza.
Bandang alas-5 ng umaga ng pakawalan ng mga kidnappers ang negosyante sa nasabing lugar matapos naman ang isinagawang law enforcement operation ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya.
Sa tala si Villaraza, Medical Technologist sa Integrated Provinical Health Office (IPHO) ay binihag ng grupo ni Abu Sayyaf sub-leaders Julie Beting at Juli Ikit na pinamumunuan na Commander Radulan Sahiron noong Mayo 18 ng taong ito.
Ang ginang kasama ang anak nitong babae ay nagÂlalakad mula sa kanilang tahanan sa Camp Asturias patungong IPHO nang dukutin ng apat na mga armadong kidnappers habang papasok na ang mag-ina sa gate ng hospital.
Patuloy namang inaalam, ayon pa kay Cenabre kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa nasabing bihag.
- Latest