^

Probinsiya

ABS-CBN reporter kritikal sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Nasa kritikal na kalagayan ang television reporter na si Julius Camba ng ABS-CBN Cagayan Valley na nakabase sa Santiago City matapos na mabangga ang service vehicle nito ng kasalubong na truck sa highway ng Ramon, Isabela nitong Sabado.

Sa ulat ng pulisya, si Camba, 30 anyos ay magko-cover sana ng tree planting sa bayan ng Ramon nang mangyari ang sakuna sa national highway ng Brgy. Ozcaris ng bayang ito.

Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang service Mitsubishi wagon ng ABS-CBN ng mabangga ito ng kasalubong na dump truck na puno ng kargang buhangin at bato dakong alas -11 ng tanghali.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Camba na ngayon ay nasa intensive care unit ng isang pagamutan.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng dump truck na si Celso Legaspi, 28 anyos ng Echague, Isabela matapos itong sumuko sa pulisya.

vuukle comment

BRGY

CAGAYAN VALLEY

CAMBA

CELSO LEGASPI

ECHAGUE

ISABELA

ISINAILALIM

JULIUS CAMBA

KASALUKUYANG

MITSUBISHI

SANTIAGO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with