^

Probinsiya

Bading kinatay ng boyfriend

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng bading na guro matapos itong tadtarin ng saksak ng 18-anyos na karelasyong inabandona nito noong Miyerkules sa Barangay Llaures sa bayan ng Bugasong, Antique.

Dalawampu’t siyam na saksak ang tumapos sa buhay ni John Pagunsan, 37, guro sa Antique National High School sa bayan ng San Jose.

Arestado naman ang suspek na si Rodney Roquero, out of school youth na sinasabing boyfriend ni Pagunsan na inabandona nito matapos na may ibang mapusuan ang nasabing guro.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Juvy Cordero, hepe ng Bugasong PNP, bandang alas-6 ng umaga noong Huwebes nang madiskubre ang bangkay ng biktima na sinasabing huling namataang buhay na kasama ang suspek.

Natukoy din ang suspek makaraang may makakita na naglalaba ito ng duguang t-shirt sa ilog.

Sa inisyal na interogasyon, inamin ni Roquero ang krimen at sinabing nagawa niya ito sa matinding galit sa biktima dahil hindi na siya nito sinusustentuhan.

vuukle comment

ANTIQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

ARESTADO

BARANGAY LLAURES

BUGASONG

DALAWAMPU

HUWEBES

JOHN PAGUNSAN

RODNEY ROQUERO

SAN JOSE

SENIOR INSPECTOR JUVY CORDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with