Opisyal ng DENR tiklo sa kotong
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources makaraang aÂrestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment sa pangongotong laban sa may-ari ng van kahapon ng umaga sa Barangay Rawis, Legazpi City, Albay.
Pormal na kinasuhan ang suspek na si Roger Madredeo, legal assistance II ng DENR Region 5 at nakatira sa Barangay Taysan sa nasabing lungsod.
Ayon sa hepe ng NBI Legazpi Office na si Manuel Antonio Eduarte, inireklamo ang suspek ng biktimang si Rogelio San Juan Jr. kaugnay sa pangongotong para mai-release ang kanyang van mula sa compound ng DENR simula noong Hunyo 2013.
Nabatid na hinihingan ng suspek ang biktima ng P10,000 para mai-release ang sasakyan na naibaba sa P5,000 ang halaga ng kotong.
Nasakote ang suspek sa loob ng kanyang opisina habang tinatanggap ang malaking halaga mula sa biktima.
- Latest