^

Probinsiya

Manager tinodas ng holdaper

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 64-anyos na farm manager matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Idineklarang patay sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Wilfredo Santos Sr., manager ng Good Era Poultry Farm Inc. sa Brgy. Tumana. Ayon kay PO3 Jonathan Mañacap, lulan ng kotse (WDY156) ang biktima at nakatakda sanang idiposito ang malaking halaga sa banko nang harangin ng mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo. Gayon pa man, pinasibat ng biktima ang kanyang kotse para umalis sa holdap subalit niratrat siya ng tandem. Nagtuluy-tuloy sa tubig-baha ang kotse ng biktima kung saan sinamantala naman ng mga holdaper na tangayin ang itm na bag na naglalaman ng P.3 milyong cash. Narekober naman ang motorsiklo na ginamit sa krimen matapos abandonahin sa Brgy. Macaiban.

 

AYON

BARANGAY PARADA

BRGY

BULACAN

GOOD ERA POULTRY FARM INC

JONATHAN MA

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

ROGACIANO M

WILFREDO SANTOS SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with