^

Probinsiya

Misis, lover naaktuhan ni mister

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Kalaboso ang 37-anyos na misis at kalaguyo nito  matapos arestuhin ng pulisya sa aktong nagtatalik sa loob ng bahay ng lalaki sa Barangay Bayugo, bayan ng Jala-Jala, Rizal kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang magkalaguyo na sina Zeny Patambang at Rommel Calumpang, 38, binata, electronic technician at kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Base sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Leo Gabrang, hepe ng Jala-Jala PNP, dakong alas-10 ng gabi nang maaktuhan ni Jonathan Patambang ang kanyang misis at kalaguyo nito na nagtatalik sa bahay ng lalaki.

Nabatid na may nakapagsabi kay Jona­than na ang magkalaguyo ay nagtungo sa birthday party kung saan magkasamang tumuloy sa bahay ni Rommel.

Kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya si Jonathan kung saan palihim na pinuntahan at pumasok sa bahay ni Calumpang.

Lingid sa kaalaman ng magkalaguyo ay nakapasok at nakunan ng litrato ni Jonathan ang ginawang pagtatalik kung saan nasaksihan din ng mga operatiba ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY BAYUGO

CALUMPANG

JALA-JALA

JONA

JONATHAN PATAMBANG

KAAGAD

LEO GABRANG

ROMMEL CALUMPANG

SENIOR INSP

ZENY PATAMBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with