^

Probinsiya

Mag-ina kinatay ng ex-bf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng anim na buwang buntis na misis at  anak nitong babae makaraang pagtatagain ng dating nobyo noong Martes ng umaga sa Barangay JP Laurel, bayan ng Malungon, Sarangani.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Inspector Lurobe Rojo ang mag-inang Mary Jane Baldonado, 18; at ang isang taong gulang na si Marie Love.

Nadamay din sa krimen ang nasa sinapupunan ni Mary Jane

Natukoy naman ang suspek na si Sherwin Lim, 26, na pinsan pa mismo ng mister ni Mary na si Ruel Baldonado.

Naganap ang krimen matapos na pasukin ng suspek sa bahay ang mag-ina na walang kasama matapos na magtungo sa bukid ang mister nito na may 50-metro ang layo sa crime scene.

Agad na pinagtataga ng suspek ang dating kasintahan kung saan narinig pa ng kaniyang mister ang sigaw ni Mary na humihingi ng saklolo kaya napatakbo ito at inabutan pa ang suspek habang patakas.

Nagawa namang habulin ni Ruel ang pinsan at naagaw pa ang itak na ipinampatay sa kaniyang mag-ina kung saan nagtamo rin ito ng dalawang taga sa katawan.

Sa ospital na inabutan ng pulisya ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong 3 counts ng murder kaugnay ng planadong krimen kung saan lumilitaw na matinding selos ang motibo.

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR LUROBE ROJO

KALUNUS

MALUNGON

MARIE LOVE

MARY JANE

MARY JANE BALDONADO

NADAMAY

NAGANAP

RUEL BALDONADO

SHERWIN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with