^

Probinsiya

Trader namatay sa kamay ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namatay sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang maysakit na bihag na negosyanteng Malaysian habang nagawa namang makatakas ng pinsan nito makaraang makatulog ang kanilang bantay sa kagubatan ng Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Col. Jose Johriel Cenabre, commander ng Task Force Sulu kaugnay sa pagkamatay ng bihag na si Chong Wei Fei, 33, plantation manager na sinasabing may sakit na diabetes at hypertension.

Namafay si Chong ma­tapos na lumala ang sakit dahil hindi nakainom ng gamot kaya tuluyang bumigay ang kalusugan habang nagpapalipat-lipat ng taguan ang mga bandido.

Ang pagkamatay ni Wei Fei noong Abril 18 ay nabatid ng mga awtoridad matapos na makatakas ang pinsan nitong si Chong Wei Jie, kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na dinukot ang dalawa ng mga armadong Abu Sayyaf sa Lahad Datu, Malaysia noong Nobyembre 2012 kung saan dinala  sa kabundukan ng Sulu.

Samantala, sa ulat ni P/Senior Supt. Abraham Orbita, namataan ng mga nagpapatrulyang security forces ang pagal na pagal sa matinding pagod ang nakatakas na bihag na si Wei Jie sa bahagi ng Brgy. Pasil sa bayan ng Indanan.

Nabatid din na nagpadala ng larawan ng magpinsan ang mga bandido kung saan inimail sa Lahad, Datu noong Marso 7, 2013.

Humihingi ng P10 mil­yong Malaysian ringgitang mga bandido sa pamilya ng mga bihag kapalit ng kalayaan.

ABRAHAM ORBITA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CHONG WEI FEI

CHONG WEI JIE

JOSE JOHRIEL CENABRE

LAHAD DATU

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with