50 sugatan sa quake drill
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Umaabot sa 50 mag aaral sa Baguio City National High School ang nasugatan matapos ang sorpresang earthquake drill ng lokal na sangay ng Office of Civil Defense, Baguio Fire Department at school officials kahapon ng umaga.

Ayon kay Adelina MacaÂrubo, school nurse ng nasabing paaralan; 20 sa mga mag-aaral ang nagtamo ng sugat sa paa habang 30 ay nawalan ng malay-tao dahil sa init at nerbiyos sa nasabing drill na sinasabing inilihim sa mga estudyante.
Tatlo sa mga estudyante ang naospital sa nerbiyos at atake sa asthma, ayon sa Rescue 911.

Nagsimula ang quake drill bandang alas-11:30 ng uÂmaga sa nabanggit na school kung saan umaabot sa 6, 500 na estudyante ang lumahok.
Inamin naman ng head ng school’s disaster preparedness committee na si Alfredo Tolentino na tanging mga guro ang nakaalam ng drill at hindi naimpormahan ang mga mag-aaral para subukan kung papaano sila reresponde.
“Wala namang naganap na stampede pero ilang mag-aaral na nagmamadaling lumabas sa exit ng school ang nag-panik kaya nagkabuhul-buhol tuloy ang linya ng mga estudyante.
Lubos na nag-iwan ng laÂgim sa mga mamamayan ang lindol base sa pinagdaanan nitong deadly quake sa nasabing lungsod noong ÂHulyo1990 na kumitil ng libo-katao.
- Latest