^

Probinsiya

Trader nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ukay-ukay trader makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin  sa Brgy. Hall ng Arena Blanco, Zamboanga City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Wahid Tamsilani, 56, residente ng Brgy. Landang Gua ng nasabing lungsod; nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang agaran nitong ikinamatay.

Bandang alas-7:30 ng gabi  ng maganap ang pamamaril sa biktima sa Arena Blanco ng lungsod.

Sa imbestigasyon, kasa­lukuyang abala ang biktima sa kaniyang ukay-ukay store sa nasabing lugar ng biglang sumulpot ang armadong lalaki at pagbabarilin ito nang malapitan.

Ang suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos na mapa­tay ang biktima.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

 Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang motibo ng krimen kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ang personal na hidwaan at alitan sa negosyo.

vuukle comment

ARENA BLANCO

BANDANG

BRGY

KASALUKUYAN

KINILALA

LANDANG GUA

MIYERKULES

WAHID TAMSILANI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with