14 silid-aralan naabo
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tinatayang aabot sa P3.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos lamunin ng apoy ang 14-silid aralan ng pampublikong eskuwelahan sa Barangay Sto. Cristo, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ni Bulacan Fire Marshall Romeo Rillo, nagsimula ang sunog bandang alas-4:00 ng madaling-araw at umabot sa ikalawang alarma kung saan idineklaÂrang fire-out makalipas ang dalawang oras.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa palikuran ng faculty room ng Malolos Integrated School na dating Malolos Central School at mabilis na kumalat sa kantina, supply room, dalawang klasrum ng special education at maging sa apat na klasrum ng elementarya at walong klasrum ng hayskul.
Nabatid sa school principal na si Reynaldo Diaz, aabot sa 1, 858 estudyante ang pansamantalang titigil muna sa pag-aaral habang 26 namang guro ang naapektuhan din ng sunog.
Sa panayam kay Mayor Christian Natividad, sa pagdiriwang ng ika-91 kaarawan ni Ambassador Bienvenido Tantoco noong 2012, nag-donate si Tantoco para sa renobasyon ng mga silid-aralan bilang pagpapasalamat sa paaralan kung saan siya nagtapos ng elementarya.
Ang dating Malolos Central School ay tinawag na MCIS noong 2010 dahil sa pagbubukas ng klase para sa high school.
- Latest