^

Probinsiya

Detenidong pulis nang-agaw ng baril, dedo

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Nagwakas ang serbisyo ng bagitong pulis na detenido sa kasong kriminal matapos mapatay ng kapwa pulis nang mang-agaw ng baril ng kanyang escort sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt Rosauro Acio, Batangas PNP director ang napatay na si  PO1 James Aaron Sabillo, 25, ng Barangay Mabini sa Lipa City at naka-assign sa Provincial Public Safety Command ng Batangas PNP.

Ayon sa police report, isinakay sa mobile patrol si Sabillo kasama ang mga police escort na sina PO2 Raymond Rellin, SPO1 Andrew Llanes, PO3 Benjamin Pernia at si PO3 Arthur Baradas para sumailalim sa physical examination nang agawin ng suspek ang baril ni PO2 Rellin pagsapit sa Community Park sa Barangay 7 bandang alas-4:15 ng hapon.

Nagpambuno ang dalawa sa loob ng mobile patrol hanggang barilin si Sabillo ng 2 sa kanyang police escort na sina SPO1 Llanes at PO3 Baradas na sinasabing nakaramdam ng panganib.

Isinugod pa sa Lipa District Hospital si Sabillo pero idineklarang patay dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan

Si Sabillo ay una nang naaresto noong Hunyo 1 matapos makumpiskahan ng mga di-lisensyadong baril, granada, at mga bala ng baril sa kanyang bahay.

Sa tala ng pulisya, si PO1 Sabillo ay kinasuhan din ng murder matapos na maka­patay at apat iba pa ang na­sugatan sa pamamaril noong Abril 28, 2013 sa kanilang barangay.

Sasailalim sana si Sabillo sa physical examination bago mailipat sa provincial jail nang maganap ang insidente.

ANDREW LLANES

ARTHUR BARADAS

BARANGAY MABINI

BATANGAS

BENJAMIN PERNIA

COMMUNITY PARK

JAMES AARON SABILLO

LIPA CITY

SABILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with