^

Probinsiya

Sundalo patay sa encounter

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang sundalo matapos makasagupa ang tinatayang nasa 30 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Brgy. Duongan, Ilaya, Catanauan, Quezon nitong Biyernes.

 Kinilala ang nasawing sundalo sa apelyido lamang nitong Pfc Denopol, ka­sapi ng Bravo Company ng Army’s 74th Infantry Battalion (IB).

 Ayon kay Lt. Col. Neil Estrella, Spokesman ng AFP-Southern Luzon Command bandang alas-8:15 ng umaga ng makasagupa ng tropa ng Army’s 74th IB ang grupo ng NPA fighters sa liblib na lugar ng Brgy. Duongan, Ilaya. 

Sinabi ni Estrella na kasalukuyang nagsasagawa ng Internal Peace and Security Operation (IPSO) ang tropa ng militar ng masabat ang mga armadong rebelde na nagresulta sa mahigit isang oras na bakbakan. 

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang Improvised Explosive Device, wires, mga tents at iba pang mga kagamitan ng mga rebelde.

 

vuukle comment

BRAVO COMPANY

BRGY

DUONGAN

ILAYA

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

INTERNAL PEACE AND SECURITY OPERATION

NEIL ESTRELLA

NEW PEOPLE

PFC DENOPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with