^

Probinsiya

Medtech kinidnap ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf  matapos dukutin ang isang medical technologist na misis ng isang sundalo  nitong Sabado ng umaga sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni Sr. Supt. Ro­bert Kuinisala, Officer in Charge ng Sulu Provincial Police Office (PPO) ang dinukot na biktima na si Casilda Villarasa, 41 anyos, misis ni Sgt. Faustino Villa­rasa ng Philippine Marines Jolo ng lalawigang ito. Ang biktima ay nagsisilbi bilang medical technologist na empleyado  ng Sulu Provincial Health Office.

Ayon kay Kuinisala bandang alas- 6:30 ng umaga  ng maganap ang insidente habang ang biktima ay patungo sa hospital kasama ang 9-anyos na anak nitong babae na si Valeria Villarasa.

Bigla na lamang huma­rang sa mga ito ang mga armadong suspek saka kinaladkad ang biktima  pasakay sa nakaparadang behikulo na ginamit na getaway vehicle ng mga kidnapper na tumahak patungo sa direksyon ng Brgy. Kasanyangan, Jolo ng lalawigan.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ele­mento ng Provincial Police Safety Company ang inabandonang get away vehicle ng mga kidnapper na isang kulay itim na may pagkaabong L300 van (GMU 787). 

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang pinagsanib na elemento ng Philippine Marines at pulisya upang ligtas na mabawi ang bihag.

vuukle comment

ABU SAYYAF

CASILDA VILLARASA

FAUSTINO VILLA

JOLO

KUINISALA

PHILIPPINE MARINES

PHILIPPINE MARINES JOLO

PROVINCIAL POLICE SAFETY COMPANY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with