Barangay chairman utas sa SUV
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 59-anyos na barangay chairman matapos itong mabangga ng sports ulitiliy vehicle (SUV) sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Maglambing, bayan ng Tagbina, Surigao del Sur kamakaÂlawa ng umaga. Nabatid na tumatawid ang biktimang si Chairman Primo Peñalosa ng Barangay Ugoban ng mahagip ito ng pulang SUV (SJF 999) ni Remegio Templanza, 53, kawani ng lokal na pamahalaang lungsod ng Bislig. Boluntaryo namang sumuko ang driver ng sasakyan sa mga tauhan ng Special Action Force sa Brgy. Tagongon kung saan dinala naman sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Tagbina.
- Latest