^

Probinsiya

Mister pinugutan ng magpinsan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 55-anyos na mister matapos pugutan ng magpinsang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Loay, bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Geremias “Jerry” Pasaforte ng Barangay Gil Sanches  sa bayan ng Labason. Arestado naman ang magpinsang suspek na sina Roland at Saryl Adullantes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalaylay na ang ulo sa baybay-daan ng national highway sa nasabing bayan.

Lumilitaw na bago maganap ang insidente ay nakipag-inuman  ng tuba sa kanilang barkada ang magpinsang Adullantes.

Papauwi na ang magpinsan nang harangin ni Pasaforte na armado ng bagong hasang karit.

Hinambalos ng karit ni Pasaforte si Roland subalit nakailag ito at mahampas ng gitara ang matanda kung saan naagaw pa nito ang patalim na karit.

Kaagad na pinagtataga ni Roland ang biktima gamit ang naagaw na karit kung saan napingas din ang teynga  hanggang sa pagtulungan ng magpinsan na pugutan ang nakaaway. Nasaksihan naman ni Estellano Aclon ang naganap na krimen kaya naipaabot sa pulisya.

vuukle comment

ADULLANTES

ARESTADO

BARANGAY GIL SANCHES

BARANGAY LOAY

CAMP CRAME

ESTELLANO ACLON

GEREMIAS

GUTALAC

PASAFORTE

SARYL ADULLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with