Bahay ng UNA mayoral bet, binomba
MANILA, Philippines - Pinaulanan ng M203 grenade launcher ang bahay ng mayoralty bet ng partido ng United Nationalist Alliance (UNA) sa tumitinding election fever sa bayan ng Manapla, Negros Occidental kamaÂkalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na nakaraÂting sa Camp Crame, bandang alas-10:40 ng gabi ng puntiryahin ang bahay ni Manapla Mayor Lourdes Socorro Escalante sa Hacienda Lourdes, Barangay Punta Mesa.
Wala namang nasugatan at nasawi sa insidente pero nawasak ang konkretong dingding sa may kusina ng bahay ni re-electionist Mayor Escalante.
Nabatid na abala sa pakikipagpulong ni Mayor Escalante sa kaniyang mga department heads para sa pagtakbo muli nito sa puwesto ng marinig ang sunud-sunod na pagsabog mula sa kanilang bahay.
Posibleng sa kabilang palayan sa may tabing ilog ilang metro ang layo sa bahay ni Mayor Escalante pumuwesto ang mga nasa likod ng pagpapasabog kung saan may dalawang hukay din ang nadiskubre sa palayan.
Pinaniniwalaan namang may kaugnayan sa mainit na labanan sa pulitika ang insidente habang patuloy ang imbestigasyon.
- Latest