^

Probinsiya

Mister sinamurai ng kaalitan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Nagmistulang ninja sa pelikula ang isang obrero nang patayin sa taga sa pamamagitan ng samurai ang kanyang kapitbahay sa Purok Masagana, Barangay Ransohan sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Agad na namatay ang biktimang si Domingo Alvarez habang tugis na ng pulisya ang suspek na si Dominador Portes. Ayon kay PO3 Jeff Tamaray, dakong alas-7 ng gabi nang kumprontahin ng suspek ang biktima hinggil sa matagal na nilang alitan. Hindi umano pinatulan ng biktima ang suspek hanggang sa umuwi sa kanilang bahay ang suspek at pagbalik ay armado na ito ng samurai. Pagkakita sa biktima ay nagmistulang ninja ang suspek na pinagtataga ang biktima sa hita, katawan, leeg, at mukha saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

AYON

BARANGAY RANSOHAN

DOMINADOR PORTES

DOMINGO ALVAREZ

JEFF TAMARAY

LUCENA CITY

NAGMISTULANG

PAGKAKITA

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with