^

Probinsiya

4 nalunod sa ilog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkakahiwalay na pagkalunod sa ilog noong Semana Santa.

Kinilala ang mga biktima na sina Juniel Zamora, 7, ng Antipolo City, Rizal; Jose Caluza, 60, ng Barangay Parian Este sa bayan ng Bauang, La Union; Avelino Daliri, 29, ng Brgy. Saranay, Cabatuan; at si Venancio Dumon. 

Ayon sa ulat, si Zamora na sinasabing lumusong sa dalampasigan ay hindi na lumutang sa ilog ng Barangay Lipit-Tomeeng sa San Fabian, Pangasinan noong Biyernes Santo. Samantala, si Caluza na  sinasabing lango sa alak ay tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Brgy. Parian Este.

Sa ulat ni P/Supt. Narciso Paragas, nalunod naman si Daliri sa Cagayan River, bayan ng Echague, Cabatuan noong Biyernes Santo habang si Dumon ay tinangay naman ng malakas na agos ng ilog sa Brgy. Pangal na sinasabing kapwa lango sa alak.

ANTIPOLO CITY

AVELINO DALIRI

BARANGAY LIPIT-TOMEENG

BARANGAY PARIAN ESTE

BIYERNES SANTO

BRGY

CABATUAN

CAGAYAN RIVER

JOSE CALUZA

JUNIEL ZAMORA

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with