Aussie pinutol ang sariling ari
CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang matinding kalungkutan ang dumapo sa 33-anyos na Australyano kaya nagdesisyong putulin nito ang sariling ari sa loob ng kanyang kuwarto sa Brgy. Tabon 3 sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lagocki Pawel Roma, bisita lamang ng kapwa Australyana ng # 364 Garland Subd. sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni PO2 Gabriel Gonzales, lumiÂlitaw na nagkulong sa silid ang biktima matapos itong makaramdam ng maÂtinding kalungkutan kung saan isinagawa ang pagputol sa kanyang ari.
Ayon kay Edwina Peterhansel, bumisita lamang ang biktima sa kanila at sa mapangasawang AustralÂyano kung saan kalimitang namamataang malungkot sa hindi nabatid na dahilan.
Kasalukuyang ginagamot sa De La Salle University Medical Center ang biktima na sinasabing nakatakdang operahan.
- Latest