Tourist bus vs trak: 7 dedo, 32 kritikal
MANILA, Philippines - Pito-katao ang iniulat na nasawi habang 32 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng tourist bus mula sa educational trip ang kasalubong na delivery truck sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Bontiway, Barangay Batiwan sa bayan ng Tuba, Benguet kamakaÂlawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, kabilang sa mga namatay sa pinangyarihan ng sakuna ay sina Diane Lauria, Mariel Mingi, guro; Princess Pastorpite, Jenny Liza Lantoria, guro; Carlo Boyet Pintor, tour guide; Leopoldo Nana, driver ng bus habang si Marvin Talantino naman ay namatay habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center
Kinilala naman ang ibang sugatan na sina Roger Albayalde, Joel Bengva, driver ng truck; Milagrito Balistoy at Jose Bonife, kapwa pahinante; Roselyn Roldan na pawang naisugod sa nasaÂbing ospital.

“Wasak ulo lahat,†pahayag ng rescuer na si Rafael Valencia ng “911-on-call†rescue group.
Lumalabas sa imbestigasyon na humaharurot pababa ang tourist bus (AFB 769) na “Lakbay Aral†sakay ang mga estudyante ng Marinduque State College nang salpukin nito ang kasalubong na delivery truck (WPG 581) ng mga food supplies patungong Baguio City pagsapit sa kurbadang Badiwan section ng nasabing highway.
Ayon sa mga pasahero ng ibang sasakyan na nakaÂsaksi sa trahedya, masyadong mabilis at nag-overtake ang tourist bus sa sinusundang sasakyan kaya pumakabilang linya.
Dito na nag-swerve ang truck sa kabilang linya para iwasan ang kasalubong na bus subalit nahagip din ang kanang bahagi nito.
Kinumpirma naman ng pulisya na ang tourist bus ang dapat na sisihin sa naganap na pinakamasahol na trahedya sa nasabing highway. Dagdag ulat nina Artemio Dumlao at Joy Cantos
- Latest