^

Probinsiya

Trike vs SUV: 1 dedo, 2 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - Isa ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang traysikel at Ford Ranger ng Comelec officer sa Barangay Kirang sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Rodibel de Guzman, 22, habang sugatan naman sina Christopher Arresa, 18; at Genesis Villanueva, 24. Lumitaw sa imbestigasyon na patungong Baguio City si Benjamin Cangawan lulan ng Ford Ranger nang mahagip nito ang kasalubong na traysikel ng mga biktima. Kaagad namang sinaklolohan ng opisyal ang mga biktima at isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital subalit namatay din  si De Guzman. Samantala, kusang dumulog sa himpilan ng pulisya si Cangawan upang sumuko.

ARITAO

BAGUIO CITY

BARANGAY KIRANG

BENJAMIN CANGAWAN

CHRISTOPHER ARRESA

DE GUZMAN

FORD RANGER

GENESIS VILLANUEVA

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with