^

Probinsiya

Ama binoga ng anak, dedo

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Dahil sa kapwa inaangkin ang itinanim na punungkahoy nagawang barilin at mapatay ang 59-anyos na ama ng kanyang anak na lalaki sa Barangay San Rafael sa bayan ng Barili Cebu noong Miyerkules ng hapon.

Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Felomino Cabalquinto kung saan naisugod pa sa Barili District Hospital subalit idineklarang patay.

Samantala, sumuko naman ang suspek na si Samuel Cabalquinto, 35, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang nagkainitan ang mag-ama kaugnay sa pinagtatalunang punungkahoy na Mahogany na nakatanim sa kanilang bakuran.

Sinasabing inaangkin ni Felomino ang pagtatanim ng nasabing punungkahoy habang pinagpipilitan naman ng suspek na siya ang nagtanim ng Mahogany.

Ang bangayan ng da­lawa ay naganap habang nag-iinuman ng alak ang mag-ama kasama ang da­lawang nitong kapatid bandang alas-3:30 ng hapon.

Dito na binaril gamit ang improvised shotgun ang biktima kung saan boluntaryo namang sumuko sa pulisya na nahaharap sa kasong parricide. Freeman News Service

 

vuukle comment

BARANGAY SAN RAFAEL

BARILI CEBU

BARILI DISTRICT HOSPITAL

DAHIL

DITO

FELOMINO

FELOMINO CABALQUINTO

FREEMAN NEWS SERVICE

SAMUEL CABALQUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with