Lola inutas, inilibing ng kapitbahay na magsasaka
ILAGAN CITY , Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupain ang isa motibo kaya pinatay sa gulpi ang 68-anyos na lola ng kanyang kapitbahay na magsasaka bago inilibing sa Barangay Rogus, Cauayan City, Isabela kamakalawa.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktimang si Metring Gacao habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Roberto Cauilan, 38, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Sa police report, lumilitaw na inakusahan ng biktima ang suspek ng pagbungkal at paglilipat ng mohon ng kanilang lote upang lumawak ang lupain nito.
Dito nagdilim ang paÂningin ng suspek kaya inilublob nito ang ulo ng matanda sa maputik na palayan upang masigurong mapatay.
Gayun pa man, hindi pinatahimik ng konsensiya ang suspek dahil sa pagpaparamÂdam sa kanya ng biktima kaya nagpasya itong magpasama kay Chairman Jerry Hermoso upang sumuko sa pulisya.
Narekober naman ng pulisya ang bangkay ng matanda na sinasabing naaagnas matapos ituro ng suspek ang pinaglibingan sa likuran ng kanyang bahay.
- Latest