^

Probinsiya

Laoag, CDO wagi sa MBC Choral Competition

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakamit muli ng Laoag City Children’s Choir ang titulo sa children’s division habang hinirang namang kauna-unahang kampeon mula sa Mindanao ang Capitol University Glee Club ng Cagayan de Oro sa pagsasara ng 2012 MBC National Choral Competitions sa Aliw theater noong Biyernes (Dec 7).

Sa pagkumpas ni Egdonna Legaspi, tinalo ng Laoag ang Batasan-Commonwealth Singing Voices, habang nakamit naman ng Himig Bulilit mula St. Paul College-Parañaque at Banga Central Elementary School ng South Cotabato ang ikatlo at ikaapat na puwesto. 

Sa ilalim ni Ritchi Asibal, ipinamalas ng Capitol ang wastong pagtutugma ng mga boses sa pantay na hanay ng pinakamagagaling na koro ng Northern Luzon, Western Visayas at Mega-Manila.

University of Baguio Voices Chorale ang puma­ngalawa sa open category habang ika-3 ang Kammerchor Manila, at ika-4 ang Kinaadman Chorale ng Iloilo.

Ang 2008 open champion Coro de Manila ang  hinirang na Best Show Choir habang si Normita Rio-Pablico ang nagkamit ng Best Original Novelty Arrangement para sa “Piliin Mo ang Pilipinas,” na inawit ni Regina Coeli.

Handog ng Manila Broadcasting Company at Star City, ang 2012 MBC National Choral Competition ay tinangkilik din ng Globe Telecom, Flanax, Coca-Cola, Alaska, Barako Bull, M. Lhuillier, at Max’s Restaurant.

BANGA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

BARAKO BULL

BATASAN-COMMONWEALTH SINGING VOICES

BEST ORIGINAL NOVELTY ARRANGEMENT

BEST SHOW CHOIR

CAPITOL UNIVERSITY GLEE CLUB

EGDONNA LEGASPI

GLOBE TELECOM

HIMIG BULILIT

KAMMERCHOR MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with