^

Probinsiya

Kandidatong konsehal todas sa ambush

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Camp Simeon Ola, Legaspi City, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang isang retiradong opisyal ng pulisya na kasalukuyang kandidatong municipal councilor matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na hinihinalang ‘hired killers’ sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tonga, Balud, Masbate kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si ret. Chief Inspector Vicente Aragona, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) V Spokesman Supt. Renato Bataller, naganap ang krimen sa nasabing lugar dakong ala-1:30 ng hapon habang ang biktima ay lulan ng motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan.

Ang biktima ay galing sa Brgy. Pajo at patungo sa Poblacion ng bayang ito nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at duguang bumulagta sa kalsada kung saan mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng cal 9mm na siyang ginamit ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Pinaniniwalaan namang  pulitika ang motibo ng krimen kaugnay ng mid term election sa Mayo 2013.

vuukle comment

AYON

BALUD

BRGY

CAMP SIMEON OLA

CHIEF INSPECTOR VICENTE ARAGONA

LEGASPI CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

RENATO BATALLER

V SPOKESMAN SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with