^

Probinsiya

Nawawalang rookie cop, natagpuang bangkay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nagwakas na ang misteryo sa pagkawala ng isang bagitong pulis matapos itong matagpuang naagnas na bangkay na ibinalot pa sa carpet saka tinabunan ng damo sa isang tubuhan sa Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si PO1 Jay Descartin de los Santos, 32 anyos, binata, nakatalaga sa General Mariano Alvarez (GMA) Police Station, residente ng Summerwind Ville IV, Brgy Burol ng lungsod.

Ayon kay Dasmariñas City Police Director P/Sr. Supt Ulysses Cruz, bandang alas 2:10 ng hapon ng matagpuan sa isang tubuhan ang bangkay ng biktima na halos hindi na makilala sanhi ng naagnas na ito at masangsang na ang amoy.

Ang bangkay ay nakabalot pa sa isang carpet na bahagyang natatabunan ng damo at hinihinalang tinorture muna ng hindi pa nakilalang mga salarin bago tuluyang pinaslang.

Sa pahayag ng pamilya ng biktima may dalawang linggo ng nawawala ang nasabing bagitong pulis na positibong kinilala ng kaniyang ama na si Juanito de los Santos .

Narekober naman ng nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng pulisya ang cartridge ng cal 45 pistol.

vuukle comment

AYON

BRGY BUROL

CITY POLICE DIRECTOR P

DASMARI

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JAY DESCARTIN

POLICE STATION

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SR. SUPT ULYSSES CRUZ

SUMMERWIND VILLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with