^

Probinsiya

Brgy. Chairman nag-suicide

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Winakasan ng isang 54 anyos na Brgy. Chairman ang kaniyang buhay matapos itong magbigti sa kanilang piggery sa bayan ng San Agustin, Isabela, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni Isabela Provincial Police Office P/Sr. Supt. Franklin Moises Mabanag ang nasawing biktima na si Solomon Mayor, Chairman sa Brgy. Virgoniza sa bayan ng San Agustin.

Sinabi ni Mabanag, dakong alas-6:45 ng u­maga nitong Biyernes ng matagpuan ng kaniyang kapatid  na nakabigti gamit ang lubid  ang bangkay ng biktima sa kanilang piggery sa Brgy. Virgoniza ng bayang nabanggit.

Bago ito ay ilang araw na umanong nakikitang tila may malalim na iniisip ang nasabing Brgy. Chairman.

Ayon kay Mabanag, wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa pagpapakamatay ng biktima habang patuloy  ang imbestigasyon sa kasong ito.

 

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BRGY

FRANKLIN MOISES MABANAG

ISABELA PROVINCIAL POLICE OFFICE P

MABANAG

SAN AGUSTIN

SOLOMON MAYOR

SR. SUPT

VIRGONIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with