^

Probinsiya

Misis tinodas ni mister

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  – Napaslang ang 26-anyos na misis matapos itong saksakin at barilin ng kanyang mister na sinasabing lango sa alak sa loob ng kanilang tahanan sa Cassandra Subdivision, Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon. Ang biktima na nagtamo ng saksak at tama ng bala sa mukha at idineklarang patay sa ospital ay nakilalang si Ma. Fatima Calibara,  samantalang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek na si Rodel Calibara, 26. Ayon kay PO3 Rodel Martin, umuwing senglot ang suspek kaya kinumpronta ito ng kanyang misis. Sa inis ng suspek sa asawa ay kumuha ito ng patalim at sinaksak sa mukha.  Bagama’t sugatan na ang babae ay nakuha pa nitong lumaban sa mister asawa at sa puntong iyon ay kinuha ng suspek ang baril at pinaputukan sa mukha ang asawa na siya nitong ikinabulagta.

 

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BARANGAY LALIG

CASSANDRA SUBDIVISION

FATIMA CALIBARA

NAPASLANG

QUEZON

RODEL CALIBARA

RODEL MARTIN

TIAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with