^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 anak kinatay, itinapon sa poso-negro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawa nitong anak na menor-de-edad matapos na pagtatagain at ihulog pa ang mga bangkay sa poso-negro ng 18-anyos na lalaki sa Cagayan de Oro City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Ritchie Yandog, hepe ng Station 7 ng Cagayan de Oro City PNP ang minasaker na mag-asawang Christopher Lastimosa, Sumagang Lastimosa, kapwa 34-anyos at ang dalawang anak na sina Christian, 8; at Charlie, 6.

Napag-alamang pinutulan pa ng dalawang kamay si Christopher para magkasya lamang sa septic tank.

Narekober ang bangkay ng mga biktima sa septic tank sa pagitan ng alas-11 hanggang alas-12 ng tanghali, ilang oras lamang matapos maganap ang krimen kahapon ng umaga.

Samantala, arestado naman ang suspek na may mga bakas pa ng dugo sa katawan na si Arman Abuyin na nakikitira lamang sa pamilya Lastimosa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,isang kamag-anak ni Sumagang ang tumawag sa tahanan nito kahapon ng umaga dahil sa importanteng transaksyon pero walang sumasagot kaya pinuntahan na lamang nito ang bahay ng pamilya.

Gayon pa man, laking gulat nito ng makitang nagkalat ang sariwang dugo sa salas ng bahay hanggang sa may kusina at bukod dito ay nakita nito ang suspek na si Abuyin sa likod bahay malapit sa lumang septic tank na pinaghulugan nito sa bangkay ng mga biktima.

Agad namang humingi ng tulong ang kamag-anak ni Sumagang sa mga kapitbahay at ini-report ang insidente sa pulisya kaya naresolba ang krimen.

Sa imbestigasyon, mabigat umano ang problemang pinansyal ng suspek matapos nitong maisangla ang kaniyang bahay dahil sa bisyo kung saan ay nakikitira na lamang ito sa bahay ni Christopher na palagi pa nitong inuutangan ng pera.

vuukle comment

ABUYIN

ARMAN ABUYIN

CHRISTOPHER LASTIMOSA

GAYON

KINILALA

ORO CITY

RITCHIE YANDOG

SENIOR INS

SUMAGANG

SUMAGANG LASTIMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with