^

Probinsiya

Mag-amo pinalaya ng kidnaper

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang isang linggong pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnaper ang dinukot na may-ari ng gasolinahan at secretarya nito sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roque Alcantara ang mga pinalaya na sina Datuwata Cuan, 70; at sekretarya nitong tinukoy lamang sa pa­ngalang Cristabelle.

Ang mag-amo ay dinukot sa gasoline station na pag-aari ni Cuan sa Libungan, North Cotabato noong Miyerkules ng Oktubre 3.

Sinabi ng opisyal na na-pressure ang mga kidnaper dahil sa pinaigting na ope­rasyon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar laban sa nasabing grupo.

Gayunman, hindi naman makumpirma ng opisyal kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa mga biktima.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay tukoy na nila ang lima sa mga kidnaper pero tumanggi muna nitong tukuyin ang pagkakakilanlan habang patuloy ang hot pursuit operations.

CRISTABELLE

CUAN

DATU PIANG

DATUWATA CUAN

GAYUNMAN

KINILALA

LIBUNGAN

NORTH COTABATO

ROQUE ALCANTARA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with