^

Probinsiya

Swiso dedo sa trak

- The Philippine Star

CAMARINES NORTE, Philippines - Maagap na sumalakay si kamatayan laban sa 62-anyos na Swiso matapos mahagip ng trak na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Supt. Winston De Belen, nagmomotorsiklo ang biktimang si Heinz Bulhmann Scherrer ng Panol Drive, Purok 1, Brgy Camambugan nang masalpok ng trak (RGN 405) ni Jobert Limboy, 28, ng Barangay Magang. Ang biktima ay sakay ng kanyang 750cc motorcycle nang makasalubong si kamatayan pagsapit sa diversion road sa bayang nabanggit. Nakaladkad pa ng ilang metrong layo ang biktima at idineklarang patay sa Santissima Trinidad Hospital. Mabilis na tumakas ang driver subalit nagawa namang isuko sa pulisya nina Mayor Tito Sarion at  Atty. Raymund Aquino. Francis Elevado at Ed Casulla

BARANGAY MAGANG

BRGY CAMAMBUGAN

CAMARINES NORTE

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

HEINZ BULHMANN SCHERRER

JOBERT LIMBOY

MAYOR TITO SARION

RAYMUND AQUINO

SANTISSIMA TRINIDAD HOSPITAL

WINSTON DE BELEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with