Dalagita naglason, todas
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depresyon sa paghihiwalay ng mga magulang kaya nagdesisyon ang 16-anyos na dalagita na mag-suicide matapos itong uminom ng lason kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu. Kinilala ang nasawing biktima na si Antonette Manalo, 2nd year high school. Natagpuan ng kaniyang kaibigan sa loob ng silid nito ang biktima na bumubula ang bibig nang dumalaw sa bahay ng pamilya Manalo dakong alas-6 ng gabi. Sa ulat ng Lapu-Lapu City Police, ang biktima ay uminom ng cyanide balls na tinunaw nito sa alak saka ininom. Nabatid na simula nang maghiwalay ang mga magulang ng biktima ay palaging malungkot at tulala ang dalagita kung saan ang dalawa nitong kapatid ay isinama pa ng kanilang ama. Samantala, natagpuan naman ang suicide note sa notebook ng biktima na nagsasaad na labis itong nasaktan sa pagiging broken home. Nagbilin rin ang dalagita sa mga kaibigan na magsuot ng kulay itim at puti sa kaniyang burol.
- Latest
- Trending




















