^

Probinsiya

Dimayuga umatras sa mayoralty race

- The Philippine Star

SAN PASCUAL, Batangas , Philippines - Hindi na kakandidato si Mayor Antonio “Tony” Dimayuga sa May 2013 midterm elections dahil sa sinasabing nakaambang disqualification case laban sa kanya.

Sa panayam, inamin ni Mayor Dimayuga na mas mainam kung tapusin na niya ang kanyang termino.

“Sa Lunes o sa darating na araw iwiwidraw ko na. Kasi mahirap na, I am withdrawing from re-election,” pahayag pa ni Dimayuga.

Nahaharap sa disqualifi­cation case si Dimayuga, ma­tapos mapag-alamang ito na ang ikaapat na sunod na termino sakaling muling manalo.

Sa ilalim ng batas, tatlong magkakasunod na termino lang pinapayagan ng Come­lec ang mga kandidato sa mayoralty race.

Si Mayor Dimayuga ay naunang nanalo noong 2004, pero napatalsik dahil sa election protest ni ex-Mayor Mario Magsaysay Jr.

Nakabalik si Dimayuga noong 2006 matapos ideklara ng Comelec na siya ang nanalo kung saan mu­ling kumandidato at nanalo noong 2007 at 2010.

Nabatid na noong huling araw (Biyernes) ng pagsusumite ng kandidatura, naghain ng certificate of candidacy (COC) ang asawang si Brenda Dimayuga laban kay Antonio Tavarez Jr. sa mayoralty race.

 “Galit ang mga residente dahil lumalabas na ayaw nilang mawala ang kanilang political career,” ayon kay Jane Sillaza ng San Pacual. Arnell Ozaeta

ANTONIO TAVAREZ JR.

ARNELL OZAETA

BRENDA DIMAYUGA

DIMAYUGA

JANE SILLAZA

MAYOR ANTONIO

MAYOR DIMAYUGA

MAYOR MARIO MAGSAYSAY JR.

SA LUNES

SAN PACUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with