Desperadong mister nag-suicide
CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 59-anyos na mister na sinasabing desperado sa buhay matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng tahanan sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Dasmariñas PNP, napuruhan sa baba na lumagos sa ulo ni Eduardo Limpin. Lumilitaw na mag-isang natulog ang biktima habang ang misis nito ay natulog sa kuwarto ng kanilang apo nang isagawa ang pagpapakamatay. Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa post-mortem examination ang bangkay nito habang narekober naman ang cal. 38 revolver na sinasabing ginamit sa suicide.
- Latest
- Trending