^

Probinsiya

2 parak nag-duelo sa sabungan

- Victor Martin at Raymund Catindig - The Philippine Star

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Dalawang pulis ang nasugatan matapos magbarilan sa isang sabungan sa ba­yan ng Villaverde ng lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina SPO1 Leonardo Tallod, miyembro ng Villaverde Police at SPO1 Christopher Humiwat, nakatalaga naman sa Civil Security Group ng Camp Crame at residente ng Kiangan, Ifugao. Sa insidente ay sugatan rin ang sibilyang si Jerald Soriano, residente sa lugar.

Base sa imbestigasyon, nitong Miyerkules ay nagres­ponde si Tallod sa Villaverde cockpit arena sa lugar matapos na makatanggap ng impormasyon sa kaguluhan sa sabungan.

Gayunman ng tangkain nitong umawat sa nagbabanga­yang grupo ay bigla na lamang itong pinaputukan ng baril ni Humiwat na tumama sa kaniyang tiyan. Binunot naman nito ang kaniyang barl at gumanti ng putok kay Humiwat na tinamaan naman sa braso

Narekober mula sa lugar ng insidente ang dalawang empty shell ng 9mm at dalawang basyo naman ng cal. 45 habang iniimbestigahan na ang dalawang pulis.

vuukle comment

BINUNOT

CAMP CRAME

CHRISTOPHER HUMIWAT

CIVIL SECURITY GROUP

HUMIWAT

JERALD SORIANO

LEONARDO TALLOD

NUEVA VIZCAYA

VILLAVERDE

VILLAVERDE POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with