^

Probinsiya

Notoryus na ‘pusher’ dedo sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAWAYAN, Masbate, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na tulak ng droga matapos makipagpalitan ng putok sa humahabol na mga pulis sa inilatag na search warrant opera­tion sa kanyang bahay sa Purok-3, Brgy.Goma, Cawayan, Masbate kama­kalawa ng umaga.

Tinangka pang isugod sa pagamutan pero ideneklarang dead-on-arrival ang suspek na kinilalang si Bords, 46-anyos, residente ng naturang lugar at itinuturing na high value individual.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga bitbit ang search warrant mula sa korte ay magkakatuwang na sinalakay ng mga kasapi ng Cawayan Municipal Police Station, Masbate Police Provincial Office Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, at Regional Drug Enforcement Unit 5 ang bahay ng suspek.

Gayunman, papalapit pa lang ang mga pulis ay mabilis kumaripas ang suspek patungo sa isang ginagawang bahay at pinutukan ang humahabol na operatiba.

Gumanti ang mga pulis at nasapol ng punglo ang suspek sa katawan na duguang bumulagta. Mabilis itong isinugod sa Cawayan District Hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Itinuloy ng mga pulis ang paghahalughog sa bahay ng suspek at natagpuan ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nasa 20-gramo at nagkakahalaga ng P136,000. Nasamsam din ang isang kalibre 45 baril at mga bala.

MASBATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with